Ikatlong major COVID-19 vaccination hub, inilunsad sa Muntinlupa

Binuksan na ng Muntinlupa City Government ang ikatlong major COVID-19 vaccination hub sa Filinvest Alabang ngayong araw.

Sumalang naman agad sa inoculation ang mga nasa A2 at A3 Priority list o senior citizens at persons with comorbidity.

Nasa 500 residente ang maaaring i-accommodate ng vaccination hub kada araw.


Una nang binuksan ng Muntinlupa City Government ang dalawang major vaccination hubs sa Ayala Malls South Park at SM Center Muntinlupa.

Facebook Comments