Ikatlong persons of interest sa Bulacan Massacre case na natagpuang patay sa bayan ng San Miguel, may bakas ng torture

Bulacan – Patay na rin ang isa pa sa mga itinuturing na persons of interest sa masaker sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Kahapon nang matagpuan ang bangkay ni Anthony Garcia alyas ‘Tony’ sa Pacalag, San Miguel na may tama ng bala sa ulo at nakabalot ng duct tape ang mukha at mga kamay.

Ayon sa otoridad, may bakas ng torture ang katawan ni Tony.


Nabatid na dinukot ng mga hindi nakilalang suspek si Tony kasabay ng libing ng mag-anak ni Dexter Carlos noong Hulyo a-singko at pagpatay din sa isa pang isinasangkot na si Roosebelt Sorima.

Una nang natagpuang patay sa San Jose Del Monte si Rolando Pacinos habang hindi pa rin nakikita si Alvin Mabesa na umano’y dinukot din at isinakay sa puting van na walang plate number.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments