Ikatlong shake drill sa Metro Manila, kasado na sa Hulyo

Manila, Philippines – Ikinasa na ng iba’t ibang sektor sa Metro Manila ang shake drill sa Hulyo.

Pero hindi kagaya ng ibang aktibidad, sinabi ni Metro Manila Crisis Monitoring and Management Center (MMCMMC) head Ramon Santiago, na ang ikatlong shake drill ay isasagawa sa loob ng tatlong araw.

Ito ay sisimulan ng alas 4 ng hapon ng Hulyo 14 hanggang umaga ng Hulyo 17.


Ayon kay Santiago, aalamin sa shake drill ang antas ng kahandaan at kaalaman hindi lamang ang mga rescue team kundi maging ang bawat indibidwal.
DZXL558

Facebook Comments