Ikinalungkot ng Malacañang na nag-positibo sa COVID-19 si Deped Sec. Leonor Briones

470

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, ipinapanalangin nila ang paggaling ng kalihim sa sakit na ito.

Aniya, si Briones ay isang walang kapaguran at matapat na miyembro ng Gabinete.


Tiyak aniya niyang magagampanan pa rin nito ang kaniyang tungkulin bilang kalihim ng Deped kahit na naka-isolate dahil sa COVID-19

Una nang tiniyak ni Briones na siya ay asymptomatic o walang sintomas ng COVID-19.

Nanawagan rin siya sa mga nagkaroon ng physical contact sa kaniya nitong nagdaang mga araw na magself-quarantine.

Facebook Comments