ILALABAS | Travel expenses ni Asec. Mocha Uson, ibibigay ng Malacañang

99

Manila, Philippines – Inihayag ng Palasyo ng Malacañang na ilalabas na ng Presidential Communications Office Freedom of Information Committee ang travel expenses ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.
Sa briefing sa Malacañang ay sinabi ni Communications Assistant Secretary at FOI Committee Head Kris Ablan na marami ang nag-request sa pamamagitan ng FOI ng impormasyon kung magkano na ang nagastos ni Uson sa kanyang mga biyahe sa labas ng bansa.
Sinabi ni Ablan na ngayong buwan ay maibibigay na sa nag-request ang halaga ng nagastos ni Uson sa kanyang mga biyahe.
Una narin naman aniyang ibinigay sa nag-request sa FOI ang accomplishment at budget ng tanggapan ni Uson bilang Assistant Secretary for Social Media ng PCOO.
Hindi naman masabi ni Ablan kung maaaring ibigay din sa Media ang impormasyong ilalabas kaugnay sa travel expenses ni Uson.

Facebook Comments