Ilan pang kongresista, humahabol sa huling araw ng paghahain ng kandidatura

Marami pang kongresista ang humabol para sa huling araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).

Isa na rito si Rep. Manuel Luis Lopez na umatras sa pagtakbong alkalde ng Maynila at sa halip para sa re-election sa pagka-kongresista ng Unang Distrito ng Maynila ang inihaing kandidatura nito.

Para sa re-eleksyon din bilang kinatawan ng CIBAC Partylist ang inihain nina Congressmen Bro. Eddie Villanueva at Domingo Rivera.


Naghain na rin ng kanyang COC para sa ikalawang termino na kinatawan ng Tingog Sinirangan Partylist si Congresswoman Yedda Marie Romualdez.

Samantala, re-electionist din sina Kusug Tausug Partylist Rep. Shernee Tan-Tambut at Deputy Speaker Valenzuela City Rep. Eric Martinez.

Si Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez ay naghain na rin ng kandidatura ngayong araw para tumakbong alkalde ng Ormoc City.

Facebook Comments