Ilan pang LSIs, naihatid na ng barko ng Coast Guard sa Cagayan De Oro

32

Ligtas na nakarating ng Macabalan Port, Cagayan De Oro City ang BRP Gabriela Silang (OPV-8301) kaninang umaga, June 27, 2020, sakay ang labing-apat (14) na indigenous person (IP) at dalawang Locally Stranded Individuals (LSIs) mula Maynila.

Bago sila inihatid sa kanilang Local Government Unit (LGU) bilang pagtalima sa health protocols, sinuri muna ang kanilang body temperature at isinagawa ang pag-sanitize ng mga pasahero.


Tumulong naman ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa pagbaba ng mga bagahe ng pasahero.

Kahapon, nagbaba naman ang barko ng Coast Guard ng medical supplies para sa frontliners sa Cebu City.

Facebook Comments