Ilan pang ninja cops, nagsumite na rin ng kontra salaysay sa DOJ

Manila, Philippines – Muling ipinagpatuloy ng Department of Justice (DOJ) ang preliminary investigation sa kaso ng tinaguriang ninja cops.

Kanina, nagsumite ng reply sa counter affidavit ng mga tinaguriang ninja cops ang PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na tumatayong complainant sa kaso.

Inatasan naman ng DOJ Panel of Prosecutors ang ilang respondents na magsumite ng kanilang rejoinder affidavit sa susunod na pagdinig.


Mahigpit ang utos ng panel na kapag hindi na nakapagsumite ang mga pulis ng kanilang rejoinder affidavit ay agad lang silang abisuhan.

Itinakda ang susunod na pagdinig sa Nobyembre 18 dakong alas-10 ng umaga.

Facebook Comments