Ilan pang personalidad, itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos sa iba’t ibang posisyon

110

Muling itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Prospero de Vera III bilang Chairman ng Commission on Higher Education (CHED).

Nagsilbi si De Vera bilang Chairman ng CHED mula Oktubre 2018 hanggang Hulyo 21, 2022.

Opisyal na ding itinalaga ni Marcos si Raphael Perpetuo Lotilla bilang kalihim ng Department of Energy (DOE) matapos sabihin ng Department of Justice (DOJ) na maaari niyang kunin ang posisyon kahit na siya ay nagsilbi bilang isang independent director sa power firms na Aboitiz Power at Exenor.


Pinanatili rin sa pwesto ng pangulo si Rosalia Villegas de Leon bilang National Treasurer of the Philippines.

Kabilang din sa mga itinalaga sa posisyon ni Pangulong Marcos ang mga sumusunod:
• Franz Josef George Espina Alvarez bilang Acting President, Chief Executive Officer at miyembro ng Board of Directors ng PNOC Exploration Corporation;
• Philippe Jones Lhuiller bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the Kingdom of Spain, kasama na ang Canary Islands;
• Pedro Ramirez Laylo bilang Ambassador Extraordinary and Plenipotentiary to the State of Israel;
• Emmanuel Buenaflor Salamat bilang Executive Director, National Secretariat ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict;
• Epimaco Verano Densing III bilang Undersecretary ng Department of Education;
• Ferdinand Galvez Sevilla bilang Pangulo ng Philippine Public Safety College, Department of the Interior and Local Government;
• Benny Diaz Antiporda bilang Acting Administrator at miyembro ng Board of Directors ng National Irrigation Administration;
• Monica Prieto Teodoro bilang Special Envoy of the President to the United Nations Children’s Fund (UNICEF); at
• Alex Quiroz bilang Chairman ng Governance Commission for Government-Owned or Controlled Corporations.

Facebook Comments