Ilan pang senador, nagpahayag ng pagtutol sa kontrobersyal na panukalang Prevention of Teenage Pregnancy Bill

Isa pang senador ang nagpahayag ng pagtutol sa Senate Bill 1979 o ang kontrobersyal na Prevention of Adolescent Pregnancy Bill.

Ayon kay Senator Migz Zubiri, bilang isang magulang at konserbatibong mambabatas ay inaayawan niya ang panukala dahil sa murang edad ay ituturo ang usapin sa sexuality at sex education.

Partikular na tinututulan ni Zubiri ang mga probisyon ng panukala kung saan ipinababatay ang ituturo sa international standards kung saan sa napakabatang edad ay ituturo na ang sexual education.


Nababahala ang mambabatas na sa halip na makatulong na mabawasan ang teenage pregnancy ay dumami ang mga batang buntis dahil magkakaroon ng sexual experimentation ang mga bata.

Pabor si Zubiri sa pagbibigay ng teenage pregnancy health care subalit hindi ang pagtuturo ng sexual education lalong lalo na sa mga bata.

Facebook Comments