Ilan player ng Beermen at Phoenix, pinatawan ng multa ng PBA

82

Pinatawan ng multa ang mga manlalaro ng Phoenix Pulse Fuel Master na sina Calvin Abueva at Doug Kramer at San Miguel Beer Big Man center na si Christian Standhardinger dahil sa nangyaring pisikalan sa game 3 ng PBA Philippine Cup.

Aabot sa ₱20,000 ang multa sa Beer Big man player na si Standharinger dahil flagrant foul 2 penalty matapos na makipag-agawan ng bola at masipa sa mukha si Abueva.


Pinagmula rin si Abueva ng ₱15,000 dahil naman sa ilang beses na pag-dirty finger sa harap ng mga camera.

₱5,000 naman ang ipinataw kay Kramer dahil sa flagrant foul 1 penalty kay Beer Men center June Mar Fajardo.

Facebook Comments

From Advertisers