Ilan Sa Mga Kumandidato Noong Nakaraang Halalan, Nakapagsumite Na Ng Kanilang Statement Of Contributions And Expenditure

7

MANILA – Inilabas na ng Commission On Elections (Comelec) ang listahan ng mga ginastos at nakuhang kontribusyon o Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ng mga kumandidato sa pambansang posisyon sa katatapos na eleksyon 2016.Sa mga kumandidatong pangulo, lumitaw na si Senador Grace Poe ang may pinakamalaking ginastos sa kampanya na umabot sa P510.8 Milyon.Sumunod naman kay Poe si Outgoing Vice President Jejomar Binay na nagsumite ng gastusin na P463 Milyon.Ang nanalo sa halalan na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte, gumastos umano sa kampanya ng P371.4 Milyon.Pinakamaliit naman ang ginastos ni Senador Miriam Defensor-Santiago na umabot lang sa P74 Milyon.Hindi naman umabot sa deadline ng paghahain ng SOCE si Dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas.Sa mga kumandidatong Bise Presidente, ang nanalo na si Camarines Sur Rep. Leni Rodredo ang may pinakamalaking ginastos sa kampanya na umaabot sa P418.6 Milyon.sumunod naman sina Sen. Francis Escudero (P322.5 Milyon); Sen. Alan Cayetano (P189 Milyon); Sen. Bongbong Marcos (P140.5 Milyon); Sen. Antonio Trillanes Iv (P61.8 Milyon), at pinakamababa si Sen. Gringo Honasan (P26.2 Milyon).Sa mga kumandidatong Senador, si Dating Metropolitan Manila Development (MMDA) Chairman Francis Tolentino ang may pinakamalaking nagastos sa kampany pero nabigo siyang makapasok sa senado.Sa isinumite niyang SOCE, idineklara ni Tolentino na umabot sa P199,146,623.72 ang kaniyang nagastos sa kampanya.Sumunod naman sa may pinakamalaking nagastos si Senator-Elect Joel Villanueva (P163,787,074.02); senator-elect Sherwin Gatchalian (P157,077,338.63); at Reelectionist Sen. Ralph Recto (P131,867,403.89).

Facebook Comments