Ilang araw bago ang paggunita sa Undas, Manila South Cemetery dinagsa na

42

Ilang araw bago ang paggunita sa Undas, dagsa na ang mga bumibisita sa mga sementeryo sa Metro Manila.

Sa Manila South Cemetery, madaling araw pa lang kanina ay marami nang nakapila sa labas para makapasok sa loob.

Ang lahat ng pumapasok ay dumadaan sa thermal scanning habang mga may pulis at tauhan ng Manila South Cemetery ang nakakalat na sa loob upang matiyak na nasusunod ang mga umiiral na health protocols.


Mahigpit din na ipinagbabawal ang pagdalaw na kasama ang mga bata, matatanda at buntis.

Bawal din ang pagdadala ng mga matutulis na bagay, sigarilyo at alak, malalakas na patugtog at baraha.

Facebook Comments