Ilang bahagi ng C5, EDSA at Maynila, isinara para sa road repairs

24

Isinara ang ilang bahagi ng kalsada sa C5 Road, EDSA at Maynila.

Ito ay dahil sa isinasagawang road repair ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Alas-11:00 kagabi hanggang alas-5:00 ng umaga sa Lunes, March 4 ay sarado sa trapiko ang southbound 2nd lane ng EDSA mula Lagarian Creek hanggang Ermin Garcia, southbound ng C5 sa bahagi ng Lanuza Avenue at bago mag-Bagong Ilog fly-over.

Sa lungsod ng Maynila, isasara ang northbound lane ng Ramon Magsaysay Boulevard mula R. Magsaysay Bridge hanggang Pureza Street.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta dahil sa posibleng mabigat na daloy ng trapiko.

Facebook Comments