Ilang bahagi ng Mindanao, niyanig ng tatlong mahinang lindol

Manila, Philippines – Niyanig ng tatlong mahinang lindol ang ilang bahagi ng Mindanao.

Unang naitala ang magnitude 4.4 bandang alas-10:44 ng umaga.

Nasundan ito ng magnitude 4.8 kaninang alas-10:50 at ikatlo ang magnitude 4.5, bandang alas-11:03 ng umaga.


Ayon sa Phivolcs – naitala ang epicenter nito sa layong mahigit 100 kilometro sa timog silangan ng governor Generoso, Davao Oriental.

Pawang tectonic ang pinagmulan ng tatlong pagyanig ngunit wala namang inaasahang pinsala.
Nation”

Facebook Comments