Ilang bahagi ng North Avenue, isasara sa mga motorista dahil sa pagkukumpuni ng MRT-7 ayon sa MMDA

57

Nagpaalala ngayon ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na isasara sa mga motorista ang eastbound o papuntang Elliptical Road sa Quezon City mula sa darating na Biyernes, October 15, 2021 hanggang June 1, 2022 upang bigyang daan ang pagsasaayos ng Metro Rail Transit Line 7 o MRT-7 project ng Department of Transportation (DOTr).

Ayon sa MMDA, ang mga sasakyan na papasok sa Wildlife at Veterans Memorial Medical Center ay maaaring dumaan sa North Avenue habang ang mga behikula naman na papuntang Elliptical Road ay maaaring dumana sa Quezon Avenue via Agham Road bilang alternatibong ruta.

Inaasahan na ng MMDA na ang pagsasara ng ilang bahagi ay malaking epekto sa mga motorista at daloy ng trapiko sa naturang lugar kung saan isinara din kamakailan ang naturang lugar.


Pinayuhan naman ng MMDA ang mga motorista na humanap ng mga alternatibong lugar upang maiwasan ang abala sa kanilang mga pupuntahan.

Facebook Comments