Ilang bahagi ng Roxas Boulevard, pansamantalang isasara bukas

Manila, Philippines – Base sa abiso na inilabas ng Manila Traffic Bureau, pansamantalang isasara ang kahabaan ng Southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang Pres. Quirino Ave, lungsod ng Maynila, bukas. (October 21, 2017).

Magsisimula ‘yan pagpatak ng alas kwatro ng madaling araw bukas upang bigyang daan ang Million Fun Run ng Philippine Red Cross.

Sa mga motorista na manggagaling sa Bonifacio Drive, makabubuting kumaliwa na lamang sa P. Burgos Ave.


Para naman sa mga motorista na manggagaling sa Jones Bridge, Mc Arthur Bridge at Quezon Bridge, pinapayuhang dumaan na lamang sa Taft Avenue.

Facebook Comments