Ihihirit ng ilang Barangay Health Workers (BHW) sa Dagupan City ang dagdag benepisyo sa kabilang patuloy na pagseserbisyo.
Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang BHW, sinabi ng mga ito na malaking tulong para sa kanila kung ito ay mabibigyan ng pansin upang kahit papaano ay matugunan ang kanilang pangangailangan.
Bukod pa rito, sang-ayon rin sila na taasan kung sakali ang honoraria na kanilang natatanggap dahil kanila rin naman umanong ginagampanan ang tungkulin bilang mga health workers ng kani-kanilang mga barangay. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments