Ilang barangay sa Las Piñas City, makakaranas ng water interruption

123

Manila, Philippines – Makakaranas ng labing dalawang oras na water service interruption ang ilang barangay sa Las Piñas City.

Magsisimula ang pagkawala ng tubig mula alas-7 mamayang gabi at tatagal hanggang alas- 7 Martes na ng umaga.


Paliwanag ng Maynilad, magkakaroon sila ng pipe network update upgrade na layong mas mapaganda ang kanilang serbisyo.

Kabilang sa mga maaakpektuhang barangay ay ang CAA, Elias Aldana, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Talon Uno, Talon Dos.

Dahil dito, pinapayuhan ang mga residente sa nasabing mga barangay na mag-imbak na ng tubig.

Maaari namang tumawag sa hotline 1626 para sa mga mangangailangan ng rasyon ng tubig.



DZXL558

Facebook Comments