Ilang baranggay sa Cotabato City binaha, klase sinuspende

Patuloy ang monitoring ng Cotabato City LGU sa lahat ng mga baranggay kasabay ng masamang panahong nararanasan.

Bagaman may iilang lugar na rin sa syudad ang apektado ng baha sinasabing wala pa namang may lumikas ayon pa kay Secretary to the Mayor Boy Rasalan. On standby na rin ang mga rescue group dagdag ni Rasalan.

Kaugnay nito mula kahapon ng hapon hanggang ngayong araw ay sinuspinde ang klase sa Cotabato City.


Nagpaalala naman ang City LGU sa lahat ng mga ninirahan sa mga flood prone areas na maging mapagmatyag .

PIC: Bobby Uday

Facebook Comments