
Pirmado na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Republic Act No. 12208 o ang batas para sa pagtatatag Calamba City General Hospital sa Laguna.
Sa ilalim naman ng Republic Act No. 12207, itataas ang bed capacity ng Amai Pakpak Medical Center sa Marawi City, Lanao del Sur, patungong 800 mula sa dating 400.
Itatatag din ang Zamboanga del Sur First District Hospital sa bisa ng Republic Act No. 12206.
Habang sa ilalim ng Republic Act No. 12205, itaas ang bed capacity ng San Pedro District Hospital sa Laguna patungong 50, mula sa dating 15.
Sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center naman sa Marikina, ipinag-utos rin ang pagpapataas sa 1,000 ng bed capacity, mula sa 500, sa bisa ng Republic Act No. 12204.
Habang sa bisa ng Republic Act 12203, ipinag-uutos ang pagtataas ng bed capacity para sa Region 1 Medical Center sa Dagupan, Pangasinan, mula sa 600 patungong 1,500.
Napapaloob rin sa mga batas na ito ang paglalaan ng kinakailangang pondo para maisakatuparan ang pagpapalakas ng healthcare system sa mga naturang lugar.