Ilang bayan sa Cagayan, pinerwisyo ng baha

32

Nagdulot ng pagbaha ang bagyong Falcon sa ilang lugar sa Cagayan.

Lubog sa baha ang residential areas sa bayan ng Lal-Lo, maging ang ilang bahagi ng highway ay hindi nakaligtas sa baha.


Tatlong barangay naman sa bayan ng Gonzaga ay nakaranas din ng pagbaha.

Ilang poste ng kuryente at puno ang itinumba ng bagyo.

Nagpadala na ng relief goods ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong pamilya partikular sa Barangay Lalafugan.

Patuloy na binabantayan ang sitwasyon ng 11 barangay mula sa limang bayan sa Cagayan.

Facebook Comments

From Advertisers