Ilang biyahe sa NAIA, kanselado dahil sa sama ng panahon

Kanselado ang anim na flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw dahil sa sama ng panahon na dulot ng Bagyong Odette.

Batay sa Flight Advisory No. 2 ng NAIA na inilabas pasado 9:20 ngayong umaga, pansamatalang kanselado ang flight sa NAIA Terminal 2 ng Philippine Airlines na may flight number na PR 1785 at PR 1786 na may biyaheng Manila – Puerto Princesa – Manila.

Kaselado rin ang dalawang flight ng PAL Express na flight number 2P 2781 ag 2P 2782 na may biyaheng Manila – Puerto Princesa – Manila.


Sa NAIA Terminal 3 naman ay kinansela rin ang biyahe ng AirAsia paputang Manila – Puerto Princesa – Manila na may flight number 432 at 433.

Facebook Comments