Ilang botanteng uuwi sa probinsya para bumoto, nagpalipas ng gabi sa bus terminal

71

Nagpalipas ng gabi ang ilang botante sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) para makauwi sa kanilang probinsya bago ang araw ng halalan.

Ayon sa ilang mga pasahero, pumunta sila ng maaga upang maiwasan ang pagdagsa ng mas maraming biyahero.

Kaugnay nito ay nagpaalala naman si PITX Spokesperson Jason Salvador na tignan muna ang iskedyul ng mga biyahe bago lumuwas.


Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 100,000 pasahero ang naitalang PITX at inaasahang dadami pa ito ngayong weekend.

Facebook Comments