Ilang bus terminal sa lungsod ng Pasay, ininspeksyon na rin ng MMDA

Pasay City – Ininspeksyon na rin kanina ng MMDA ang ilang bus terminal sa lungsod ng Pasay.

Sa pangunguna ni MMDA Chairman Danilo Lim, tiningnan nila kung nakakasunod sa “nose-in nose-out” policy ang mga bus company.

Kabilang sa mga ininspeksyon ang DLTB bus at Elavil Bus Tours and Travels.


Nito lamang Miyerkules, tatalong bus terminal sa kahabaan ng EDSA-Quezon City ang ipinasara ng MMDA at LTFRB.

Sa huli, muling nagbabala si Lim sa mga pasaway na bus company na sumunod sa kanilang mga polisiya.

Facebook Comments