ILANG BUSINESS OWNER SA LINGAYEN, HUMABOL SA HULING ARAW NG BUSINESS PERMIT RENEWAL

Humabol ang ilang business owner sa Lingayen sa huling araw ng pagre-renew ng kanilang mga business permit sa Business One Stop Shop (BOSS) sa Lingayen Municipal Hall Atrium.

Paliwanag ng ilang negosyante, ngayon lamang umano nila naasikaso ang pagrerenew dahil sa kawalan ng Oras.

Wala ng extension sa naturang renewal kaya naman ang sino mang hindi nakapagrenew ng kanilang business permit ay may karampatang penalty.

Hinihikayat naman ng tanggapan ang mga bagong negosyong itinayo sa bayan na mag-comply na sa kanilang mga requirements para sa registration ng kanilang business permit para sa taong 2025. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments