Ilang celebrities, nagpaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng beteranong aktor na si Eddie Garcia

161

Bumuhos ang pakikiramay ng ilang celebrities sa pagpanaw ng premyadong aktor at direktor na si Eddie “manoy” Garcia.

 

Isa na rito si Jasmine Curtis-Smith na sinabing malaking kawalan sa entertainment industry si Eddie.


 

Tinawag naman na tunay na “legend” ni Paulo Avelino ang aktor dahil sa mahigit 300 pelikula na pinagbidahan nito.

 

Ilan pa sa mga nagpaabot ng pakikiramay ay sina Anthony Pangilinan, Heart Evangelista, Marc Abaya, Max Collins, Gabby Garcia, JV Ejercito, Zsa Zsa Padilla at iba pang artistang nakatrabaho nito.

 

Si Eddie na tubong sorsogon ay unang nakilala sa pelikula nitong “siete infantes de lara” noong 1949.

 

Unang pelikula naman sa kanyang direksyon ang “karugtong ng kahapon” noong 1961.

 

Bukod sa mahigit 300 pelikula, naging bahagi rin ang 90-anyos na aktor sa 30 teleserye sa loob ng pitong dekadang karera niya sa showbiz.

 

Nasa halos 40 awards naman bilang aktor at direktor ang natanggap ng aktor.

 

Ang pinakahuli ay nito lamang martes kung saan siya itinanghal bilang best actor sa urian awards para sa pagganap niya sa pelikulang ml.

 

Mag-aalas 5:00 ng hapon kahapon nang pumanaw si manoy.

Facebook Comments

From Advertisers