Ilang celebrities, tumulong sa AFP Mobile Kitchen sa pagbibigay ng libreng pagkain sa mga sinalanta ng bagyo sa Taytay, Rizal

166

Tumulong na rin ang ilang celebrities sa pagbibigay ng ayuda sa mga sinalanta ng Bagyong Ulysses sa Barangay Sta. Ana, Taytay, Rizal.

Kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) Mobile Kitchen, nakiisa sina Kris Bernal at Miss Universe 2020 1st Runner-Up Bella Ysmael sa paghahanda at pabibigay ng hot meals para sa mga pamilyang sinalanta ng kalamidad.

Ayon kay AFP Mobile Kitchen OIC Capt. Josephine Martinez, higit 1,000 indibidwal ang mabibigyan ng libreng pagkain ngayong hapon hanggang gabi.


Ika-lima na ang bayan ng Taytay na sinerbisyuhan ng Mobile Kitchen kung saan una nitong pinuntahan ang Marikina, Wawa sa Rodriguez, Rizal, San Mateo at Bacoor sa Cavite.

Mula ng simulan ang deployment ng Mobile Kitchen, umabot na sa mahigit kalahating milyong indibidwal ang napagsilbihan nito.

Samantala, hanggang mamayang hapon na lang ang pagbibigay ng libreng pagkain sa Taytay.



Matatandaan na ang AFP Mobile Kitchen din ang ginamit noon sa Marawi Siege kung saan sinusuportahan ang pagkain ng mga sundalo

Facebook Comments