Ilang celebrity na nakaranas ng hirap na maging single mom, kilalanin!

53

Ibinahagi nina Ai Ai delas Alas, Candy Pangilinan at Valerie Concepcion ang kanilang mga karanasan bilang isang single mother.

Sa isang programa, binalikan ni Ai Ai ang hirap na kaniyang dinanas noong siya’y maging single mom at pinapalaki ang kanyang tatlong anak.


Isa sa mga sinabi ni Ai Ai na karanasan ay palagi niyang kasama yung mga anak niya sa mga taping at shooting kahit hanggang madaling araw pa ito.

Dagdag pa ng komedyante, kailangan tuwing linggo ay mayroong silang family bonding.

Sa isang programa rin, sinabi naman ni Valerie na nahirapan siya maging single mom dahil 16-anyos palang siya nung magkaroon ng unang anak.

Ayon kay Valerie, wala siyang kaalam-alam noon sa pag-aalaga ng bata dahil sa napakabata pa niya nang magkaanak.



Para naman kay Candy, mahirap pero blessed ang pagiging single mom dahil sa anak niya na may special needs.


Binalikan ni Candy ang kaniyang karanasan nang ibalik niya sa ospital at ma-ICU ang kaniyang anak na isang buwang gulang pa lang noon.

Sa huli, sinabi ng tatlong single mom na naging mahalagang papel na ginampanan ng kani-kanilang ina upang malampasan ang pagsubok na naranasan nila.

Facebook Comments