Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Arts Month, ilang mga coffee shop ang nagsilbing micro gallery sa Dagupan City upang ipakita ang mga obra ng mga local artist sa Pangasinan.
Ang naturang exhibit ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga artist na mag-display at magbenta ng kanilang mga likha sa loob mismo ng coffee shop.
Layunin nito na mailapit ang sining sa komunidad at magbigay ng espasyo sa mga lokal na talento na maipakita ang kanilang mga obra sa mas malawak na masa.
Sa pamamagitan nito, nagiging buhay na bahagi ng kultura ng Dagupan ang mga coffee shop, hindi lamang bilang mga lugar para pampalipas ng oras at tambayan kundi pati na rin bilang mga sentro ng sining at kultura sa lungsod. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments