ILANG COLORUM NA TRAYSIKEL SA BAYAMBANG, IN-IMPOUND NG KAPULISAN

Ilang colorum na traysikel sa Bayambang ang nasampolan ng impoundment ng kapulisan bilang bahagi ng pinaigting na Anti-Colorum Drive sa bayan.
Layunin na tuluyang masugpo ang illegal na pamamasada para sa kaligtasan ng mga pasahero at motorista at matiyak na pairalin ang disiplina sa mga ipinapatupad na batas at ordinansa.
Ang aktibidad ay tugon din ng lokal na pamahalaan sa hinaing ng mga tricycle drivers at operators sa pagiging patas at karapat-dapat na pamamasada nang may kaukulang permit at prangkisa.
Ang mga nahuling traysikel ay naka-impound sa kustodiya ng Bayambang Police Station.
Matatandaan na isa ang usaping colorum sa isinangguni ng mga miyembro ng TODA sa lokal na pamahalaan kabilang pa ang sobrang paniningil at tamang istasyon sa mga pasahero.
Nanindigan naman ang LGU Bayambang na pairalin ang disiplina sa sektor ng transportasyon at iba pa sa paglulunsad ng Task Force Disiplina. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments