Pabor ang ilang Dagupeño sa panukalang batas na inihain sa KAMARA kung saan papatawan ng death penalty by firing squad ang sino mang opisyal ng gobyerno mapapatunayang nagkasala sa kasong katiwalian o kurapsyon.
Ayon sa ilang Dagupeño na nakapanayam ng IFM News Dagupan, kung sakali man na maipatupad ang naturang panukala ay maaaring matakot na umano ang mga kurap na opisyal na gumawa ng katiwalian at mawakasan ang kurapsyon.
Ang ilan, ang sinasabi ay walang sino man ang may karapatan na kumitil ng buhay ng isang tao dahil sa pagkakamali nito.
Sa kabilang banda, may ilan na ring panukalang batas ang inihain sa Kongreso na may kinalaman sa pagbabalik sa death penalty.
Sa kasalukuyan, hindi pinapayagan sa Pilipinas ang dealth penalty matapos itong buwagin noong taong 2006.