Ilang demonstrador, nagtitipon sa Pasong Tamo extension sa Makati

Manila, Philippines – Tinatayang isang daang mga militante ang nagtitipon-tipon ngayon sa harap ng Lapanday Bldg., Foods Corp. sa Pasong Tamo, Ext., Barangay Magallanes, Makati City.

Kabilang dito ang mga miyembro ng Bayan Muna at MARBAI sa pangunguna ni Renato Reyes.

Dumating sa lugar ang mga demonstrador sakay ng apat na pampasaherong jeep.


Iginigiit ng mga ito na anilay ibalik sa mga magsasaka ang lupa at ina-akusahan nila ang Lapanday ng pang-aagaw ng lupa.

Patuloy naman na moni-monitor ng mga otoridad ang demonstrasyon.

DZXL558

Facebook Comments