Ilang empleyado ng Wellmed Dialysis Center, pinag-aaralang isailalim sa WPP

196

Pinoproseso na ng National Bureau of Investigation o NBI ang pagsasailalim sa Witness Protection Program o WPP ng ilang dating kawani ng Wellmed Dialysis Center.

Ayon kay NBI spokesperson Ferdinand Lavin, kailangan pa ring kumpletuhin ng magkasintahang whistleblower na sina Liezel De Leon at Edwin Roberto ang mga hinihinging requirements para mapasailalim sila sa WPP.


Aniya, aalamin rin kung makakakuha ng provisional o full coverage ng WPP sina De Leon at Roberto.

Tiniyak naman ng abugado ng dalawa na si Atty. Crispin Francis Jandusay, na nakahanda silang sumunod sa mga hinihinging requirements ng Department of Justice (DOJ).

Facebook Comments

From Advertisers