Ilang fans ni Alden Richards, nainis nang ‘makalimutan’ ang idolo sa Eat Bulaga

Instagram/aldenrichards02

Hindi pinalagpas ng mga fans ni Alden Richards nang makaligtaang ipakilala ang actor-host bilang presenter ng mga panalo sa isang segment sa Eat Bulaga nitong Oktubre 26.

Nanggalaiti ang ilang fans nang hindi mabanggit ng host na si Pia Guanio ang Pambansang Bae na nagpresinta ng 2nd runner-up Miss Millennial 2019 kasama si SKAL International chairman Robert Lim Joseph Jr., na tanging naipakilala.

Tila hindi naman nabahala at nanatiling nakangiti si Richards, pero giit ng iba, dapat ay nabigyang-pansin pa rin ang presensya ng aktor.


Naglabas din ng saloobin si Leysam Sanciangco, kilalang handler ni Richards, na nagsabing “parang pahabol na lang” ang aktor.

Sinundan ito ng tweets ng mga nadismaya sa insidente at mga mensahe ng suporta kay Richards–dahilan para mag-trending ang #LabyuAlden.

Samantala, sa isang Instagram post, umapela si Guanio sa mga fans na huwag nang magalit.

“Hi @aldrenrichards02! Please tell your fans not to get mad na! wag na mag-away! God bless you all!,” saad ng host, na sinagot din ng ibang fans.

Facebook Comments