ILANG FISH VENDOR SA SUAL, DAING ANG KAUNTING SUPLAY NG BANGUS NA IBINABAGSAK SA BAYAN

Apektado umano ang suplay ng bangus na ibinabagsak sa bayan ng Sual ayon sa ilang tindera na dahilan ng mataas na presyuhan ng produkto.

Sa panayam ng IFM News Dagupan sa ilang fish vendors sa Culiglig Market, nagmumula pa sa Alaminos City at Bolinao ang ibinabagsak na bangus sa Sual dahil madalas ay mas pinipili umanong ibenta ng mga fish growers ang nahaharvest na bangus sa Dagupan City.

Sa kasalukuyan, nasa P200 ang kada kilo ng bangus sa mga pampublikong pamilihan na dating ibinebenta ng P120 per kilo.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments