Ilang flights, kanselado dahil sa sama ng panahon

Manila, Philippines – Dahil sa sama ng panahon, kanselado ang flight ng
Philippine Airlines Express na Manila-Basco-Manila.

Ayon sa Manila International Airport Authority, kanselado ang flight 2p
2084 ng PAL express.

Cancelled rin ang flight na 2p 2085 na mula sa Basco pabalik ng Manila.


Payo ng Philippines Airlines sa mga apektadong pasahero, makipag-ugnayan na
lamang sa kanilang tanggapan para ma-reschedule ang kani-kanilang mga
flights.

Facebook Comments