Tuesday, April 21, 2026

Ilang flights patungong Middle East, kanselado ngayong Linggo

Inanunsiyo ng ilang airline company sa Pilipinas na kanselado ang ilang mga flight patungong Middle East ngayong unang araw ng Marso.

Ito ay dahil pa rin sa tensiyong nangyayari sa Gitnang Silangan at mga restriction na ipinatutupad sa ilang paliparan at airspace doon.

Ayon sa Philippine Airlines, kanselado ang mga biyahe ng kanilang:

PR658 / PR659 – Manila – Dubai – Manila
PR654 / PR655 – Manila – Riyadh – Manila

Samantala, kanselado rin ang biyahe ng Cebu Pacific na 5J 14/15 na may rutang Manila-Dubai-Manila.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng dalawang airline company sa aviation authorities, airport operators at mga kaukulang ahensiya ng gobyerno patungkol sa sitwasyon.

Maaari ring mag-avail ng rebooking, rerouting at refund ang mga apektadong pasahero alinsunod sa kani-kanilang polisiya.

Hinikayat din ng dalawang airline ang mga pasahero na i-check muna ang kanilang flight status bago magtungo ng paliparan.

Facebook Comments