Ilang gasolinahan sa QC, may pa-raffle sa mga magpapagasolina

56

Kanya-kanyang diskarte ang ilang gasolinahan sa Quezon City para maengganyo ang mga motorista na magpagasolina.

Nabatid na dahil sa sunod-sunod na oil price hike ay nabawasan ang mga nagdadala ng sasakyan para makatipid sa pagpapagasolina na nagresulta rin ng mahigpit na kompetisyon ng mga gasoline station.

Ang sangay ng Shell sa Timog, Quezon City, may pa-raffle sa mga motoristang magpapagasolina kung saan pwedeng Manalo ng softdrinks.


Pwedeng sumali sa raffle ang mga motorsiklo na magpapakarga ng hindi bababa sa P200 habang P1,500 naman para sa mga four-wheel vehicle o kotse.

Nag-aalok naman ng P2 diskwento sa gasoline at piso sa diesel ang Cleanfuel sa Timog para sa mga miyembro nito.

Habang nagbibigay rin sila P100 ang discount sa mga tatay bilang pakikiisa sa selebrasyon ng Father’s Day.



Sa Caltex naman sa E. Rodriguez sa Quezon City, tuloy-tuloy ang promo nila na libreng sabon sa mga magpapakarga ng kada apat na litro ng gasoline o diesel.

Facebook Comments