Saturday, September 12, 2026

Ilang grupo, iginiit na huwag isantabi o manahimik hinggil sa layunin ng pagkalat ng kabaong sa Metro Manila

Iginiit ng grupong Alyansa ng Bantay sa Kapayapaan at Demokrasya (ABKD) at Filipinos Do Not Yield Movement na dapat masagot ang mga tanong kaugnay sa mga kabaong na natagpuan sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila.

Dapat malaman kung sino ang naglagay ng mga kabaong, magkakaugnay ba ang mga insidente, at kung may nilabag bang batas o ordinansa.

Ayon kay Chairman Emeritus, Dr. Jose Antonio Goitia, hindi dapat gamitin ang kawalan ng agarang sagot upang isantabi ang mensaheng nais iparating ng mga naturang aksyon.

Aminado rin si Goitia na mayroong tunay na pangamba ang maraming Pilipino hinggil sa China lalo na sa usapin ng soberanya, karapatang teritoryal, at seguridad ng bansa at ang mga ito ay hindi naman lumitaw ng walang dahilan.

Aniya, katunayan ay paulit-ulit ng nakaranas ang Pilipinas ng mga tensiyon at komprontasyon sa West Philippine Sea, kung saan hinarass ang mga Pilipinong mangingisda, nakaranas ang mga sasakyang pandagat ng Pilipinas ng mapanganib na pagmamaniobra, pambobomba ng tubig, pamamalo sa ulo at iba pa.

Hinihimok naman ang publiko na manalangin sa pamamagitan ng pagno-novena lalo na’t ang pagdarasal nito ay makakatulong para sa pang-araw araw na takbo ng buhay gayundin sa kalagayan ng bansa.

Facebook Comments