Ilang grupo na nakiisa sa White Ribbon Friday Protest, nanawagan na panagutin ang lahat ng sangkot sa katiwalian na opisyal ng pamahalaan

Kinokondena ng iba’t ibang grupo ang nangyayaring korapsyon sa bansa kung saan panawagan nilang dapat ay may panagutin at kasuhan lahat ng mga sangkot sa katiwalian sa gobyerno.

Sa isinagawang White Ribbon Friday Protest sa EDSA Shrine sa Quezon City, patuloy silang nananawagan sa publiko na sana ay makita nila na ang laban kontra korapsyon ay laban ng bawat Pilipino.

Bukod pa rito, nagsagawa rin ng candle lighting ang mga kalahok habang kinakanta ang ‘Bayan Ko’.

Isasagawa naman ang White Ribbon Protest tuwing Biyernes hanggang sa ikinakasang malakihang kilos-protesta sa November 30.

Samantala, mahigpit ang naging pagbabantay ng mga Quezon City Police District para mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng publiko sa naturang lugar.

Facebook Comments