Ilang hiling para sa rescue at relief operations, inaksyunan ni VP Robredo

182

Personal na inaksyunan ni Vice President Leni Robredo ang mga hiling para sa rescue at relief operations para sa mga pamilya at indibidwal na na-trap o na-stranded sa hagupit ng Bagyong Ulysses.

Ang Office of the Vice President (OVP) ay nakipagtutulungan sa mga ahensya ng pamahalaan sa pagsasagawa ng operasyon.


Bukod dito, nakikipagtulungan din sila sa mga private partners para sa pagbibigay ng kinakailangang assets tulad ng truck at bangka para sa mga apektado ng lugar.

Naka-monitor din ang OVP sa mga lugar na nangangailangan ng agarang tulong.

Nakikipag-ugnayan din ang tanggapan sa mga apektadong Local Government Units (LGUs) para malaman ang kanilang mga pangangailangan sa kanilang komunidad.

Facebook Comments