Ilang hotel sa Pilipinas, binigyang parangal sa 2021 TripAdvisor awards

51

Kinilala ng World’s largest travel destination planning platform na TripAdvisor ang ilang hotel sa Pilipinas.

Ito ang ipinagmamalaki ng Department of Tourism (DOT) matapos mabigyang pagkilala ang ilang hotel sa Travelers’ Choice Award ngayong taon.


Ayon sa DOT, ang Manor sa Camp John Hay, Baguio City ay isa sa local hotels na nag-uwi ng 2021 Travelers’ Choice Best of the Best Award.

Kinilala rin ang Manor bilang Top 1 sa lahat ng hotel sa buong mundo.

Ang iba pang hotel awardees ay ang Dusit D2 Davao, Dusit Thani Lubi Plantation Resort, Waterfront Cebu, Midori Clark Hotel, at Quest Plus Conference Center Clark.

Pinuri ni Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat ang mga nasabing accommodation establishments sa kanilang patuloy na pagseserbisyo sa mga biyahero sa harap ng COVID-19 pandemic.



Facebook Comments