Ilang Incumbent Officials sa Maguindanao kabilang sa Narco List ni pangulong Digong

28

Limang mga opisyales mula Maguindanao ang muling tinukoy ni Presidente Rody Duterte na di umanoy sangkot sa kalakaran ng Illegal Drugs.
Kinabibilangan ito nina Datu Saudi Ampatuan Mayor Anida Dimaukom, Talitay Mayor Abdulwahab Sabal, Ampatuan Mayor Rasul Sangki, Datu Montawal Vice Mayor Otto Montawal at former Talitay Mayor Montassir Sabal.
Kabilang ang mga opisyal mula sa 46 na mga politiko na pinangalanan ni Presidente Duterte na di umanoy kabilang sa Narco Politicians.
Inihayag ito ni Presidente Duterte kasabay ng National Joint Peace and Order Council Meeting kagabi sa Davao City.
Kaugnay nito, matagal na ring pinabubulaanan ng mga nabanggit na mga opisyales na sangkot sila ipinagbabawal na gamot bagkus kaiisa sila di umano ni Pangulong Digong sa paglaban sa Droga.

Facebook Comments