Ilang indibidwal, maagang bumisita sa puntod ni PNoy sa Manila Memorial Park

Ilang supporters ng pamilya Aquino ang nagtungo sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City para mag-alay ng respeto kay dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Sa ulat, pagkabukas pa lamang ng sementeryo kaninang alas-7:00 ng umaga, agad na nagsipasukan ang mga tao diretso sa puntod ng dating pangulo.

May dala silang mga dilaw na bulaklak, ang kulay na naging simbolo ng pamilya Aquino.


May mga nagsindi rin ng kandila at nag-alay ng dasal.

Ilang pulis naman ang nagbabantay para matiyak ang kaayusan sa lugar.

Kahapon, nang ihatid sa huling hantungan ang mga labi ni PNoy sa tabi ng puntod ng kanyang mga magulang na sina dating Senador Ninoy Aquino at Dating Pangulong Corazon Aquino.

Facebook Comments