
Nakatakdang pag-usapan ng National Board of Canvassers ang iba’t ibang isyu sa party-list group hinggil sa katatapos na halalan.
Sa naging sesyon ng NBOC matapos ang canvassing sa 175 na certificate of canvass, hiniling ng Commission on Elections (COMELEC) Chairman na si George Erwin Garcia sa lahat ng mga abogado ng mga party-list groups na magsumite sa kanila ng position paper kaugnay sa mga isyu dapat talakayin.
Isa na rito ay kung ilan ang bilang ng puwestong nakalaan para sa mga party-list groups.
Sinabi pa ni Garcia na dapat tuluyan nang maresolba kung 63 o 64 ang pwesto para sa party-list groups sa Kamara.
Bukod dito, dapat din mapag-usapan ang tamang distribusyon o paglalaaan ng number of seats sa mga nanalong party-list group ngayong 2025 midterm elections.