ILANG JEEPNEY DRIVERS SA PANGASINAN NAMAMASUKAN NA DIN BILANG RIDERS NG MGA FOOD DELIVERIES

13
Napipilitan nang mag sideline ang ibang mga jeepney drivers sa lalawigan ng Pangasinan.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan kay AUTOPRO Pangasinan President Bernard Tuliao, may mga kasamahan na silang tumigil sa pamamasada habang ang iba naman ay nagsasideline na.
Ang iba aniya ay namamasukan na bilang mga rider ng mga online food deliveries.
Hindi na din aniya diretso ang oras ng kanilang pamamasada dahil kapag sa tanghali ay walang pasahero kaya’t umaga at hapon lang namamasada ang ilang mga drivers dahil uwian ng mga estudyante at mga manggagawa. | ifmnews

Facebook Comments