Ilang kalsada sa Bicol Region, hindi madaanan

Ilang kalsada sa Bicol Region ang hindi pa rin madaanan.

Ayon kay National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, pinakanaapektuhan ng baha ang ilang lugar sa Camarines Sur kung saan nagkaroon ng power outage.

Maliban rito, nakakaranas rin ng power outage ang Catanduanes, Masbate at Albay.


Batay naman sa tala ng Police Regional Office (PRO) Region V, nasa 52 lugar sa rehiyon ang binaha.
Kabilang rito ang Naga, Catanduanes, Sorsogon, Camarines Sur at Albay.

Facebook Comments