Ilang kalsada sa Dagupan City isasara dahil sa pagbubukas ng City Fiesta

Inaasahan na dadagsain ang siyudad ng Dagupan dahil sa pagsisimula ngayong araw ika- 5 ng Disyembre 2017 ang pagbubukas ng Dagupan City Fiesta at kasabay niyan ang pagsasara ng ilang kakalsadahan sa Dagupan City.

Ayon sa POSO Representative na nakausap ng FM Dagupan sa ganap na 1:00 ng hapon isasara ang kahabaan ng MH Del pilar St, Ab Fernandez Avenue, Burgos st. at buong Prez Boulevard upang bigyan daan ang grand parade.

Magkakaroon ng street dancing competition, drum and lyre sa city plaza. Magtitipon tipon ang labing apat na kalahok sa street dancing parade sa Guilig st. Susundan ito ng pagpapailaw sa Christmas Tree ng Dagupan City na nasa harap ng City Museum.


Facebook Comments