Ilang kalsada sa Maynila, isasara ngayong weekend

134

Manila, Philippines – Naglabas ng abiso ang Manila Police District Traffic Bureau kaugnay sa mga kalsada sa Maynila na isasara ngayong weekend.

Sa Sabado (June 24), pagpatak ng alas 8 ng umaga, hindi muna madadaanan ng mga motorista ang Independence Road sa Quirino Grandstand, Rizal Park sa Ermita, Maynila para sa gaganaping Couples for Christ 36th Anniversary.

Habang sa Linggo naman (June 25), mula alas 3 ng madaling araw, sarado ang Southbound Lane ng Roxas blvd. mula Katigbak Drive hanggang P. Ocampo, para sa isasagawang fun run. (Run United 1)


Pinapayuhan ang mga motorista na humanap na ng mga alternatibong ruta upang di na maabala sa pagbiyahe.

Facebook Comments